May isang
guro na naaalala ang kanyang katangi tanging istudyante , na kahit ilang taon
na ang nakalipas, hindi niya parin nalilimutan ang mukha ng batang iyon , pati
narin ang mga ginagawa nito bago siya ay umalis ng silid-aralan.. Tandang tanda
parin ng gurong ito kung ano ang mga ginagawa ng istudyanteng iyon. Bago umuwi
, laging inaayos ng batang iyon ang mga upuan. Nagtutungo siya sa likod ng
silid upang tignan kung tuwid na ba ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang
lumilingon sa pagsabi ng “Goodbye,
Teacher!” Sa simula pinagtatakahan ng guro kung bakit mahiyain ang batang
ito. Ngunit unti unting napagdugtong-dugtong ng guro ang mga katotohanan
tungkol sa kanyang buhay: siya’y isang munting ulilang galing sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok
sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang
panginoon. Nadama ng guro ang kanyang kalungkutan. Nais niyang makipaghabulan
ang batang iyon sa kapwa bata, at gawin ang mga kaguluhang bahagi ng buhay
bata. Nang dahil doon, laging tinatawag ng guro ang bata upang gawin ang
marami’t mumunting bagay para sa kanya. Nagkaroon sila ng tahimik na
pakikipagkaibigan. Nakita ng guro , ang mga pagbabagong nangyari sa bata,
nakikipaghabulan na ito sa kapwa bata at mga munting gawain na nagpapasaya sa
bata. Kinakausap siya ng guro , at sumasagot siya ng pagaril sa tagalong. Dito
natiyak ng guro na ang bata ay hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong
nalulumbay. Ngunit isang araw, nagpagbuntungan ng galit ng guro ang bata. Hindi
alam ng guro kung bakit niya iyon nagawa. Ginawa na ng batang iyon ang mga gawi
niya araw araw , pagaayos ng upuan at iba pa. Lumabas ng tahimik ang bata ng
hindi nagsasabi ng “Goodbye , Teacher”. Labis na nagsisi ang guro , at paulit
ulit na tinatanong sa sarili kung ano ang kanyang nagawa. Ngunit , bigla-bigla,
ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ng guro sa pintuan. Ang mga mata
nitong nakipagsalubungan sa guro’y may nagugulumihang tingin. “Goodbye, Teacher,” ang sabi ng bata. Pagkatapos ay umalis na.
Nagbalik siya upang sabihin iyon, sabi ng guro sa kanyang sarili. Kung gaano
siya katagal sa kanyang pagkakaupo noon ay hindi niya magunita ngayon. Ang
tangi niyang nagugunita’y ang pagpapakumbaba niya sa kalakhan ng puso ng
mumunting batang yaon, sa natitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang
sandaling iyon, ang batang iyon ang naging guro ng guro.